歌手:
Nicole Abuda
专辑:
《State of Mind》作词 : Nicole Abuda
作曲 : Nicole Abuda
Ayan ka na naman Sumasabay sa agos ng mundo
Nagpapaligoy-ligoy lang habang nakayuko
Lumiliyab, nagsusumamo ang puso
Paano ba kung sadyang ‘di kayang makalayo
Oh bakit kaya
Oh sa’n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba ‘to para sa tulad kong mahina lang
Ayan ka na naman paikot-ikot nang walang hinto
‘Di mapakali, ‘di lubos maisip kung bakit ganito
Lumuluha, nagsusumamo ang puso ‘Di sigurado kung lalaban ba o susuko
Oh bakit kaya
Oh sa’n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba ‘to para sa tulad kong mahina lang
Nagtatanong, nagsusumamo ang puso
‘Di malabanan ang binubulong ng isip ko
Oh bakit kaya
Oh sa’n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba ‘to para sa tulad kong mahina lang