Umaapaw
Favorite
歌手:Ang Bandang Shirley
专辑:《Favorite》

作词 : Ang Bandang Shirley
作曲 : Ang Bandang Shirley
Awit, masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw, ika'y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda
Antok at pagod, tila naglaho
Pagkagising, panaginip ang dumalaw
Damdamin ko'y umaapaw
Labi, halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila, salitang matatamis
Yakap, higpit ng mga braso
Sa 'yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo
Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko'y umaapaw
Handang sabihin at ipakita
'Wag pigilin ang pagbugso
Pagkagising, panaginip
'Wag pigilin ang damdamin
Puso, hayaang paganahin
Sa muling pagkikita mayroong dadalhin
Talumpati sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan, lahat kabisado
Buo ang loob ko sa 'yo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa 'king uhaw
Pag-ibig ko'y umaapaw
更多>> Ang Bandang Shirley的热门歌曲